Inilabas na ng South East Asian o Sea Games Federation Council ang listahan ng mga bansang napili bilang host sa mga susunod na Sea games.
Ayon sa mga opisyal ng konseho gaganapin ang 2023 sea games sa Cambodia habang sa thailand naman sa taong 2025.
Nabatid na napili naman ng Sea Games Federation ang Malaysia bilang host sa taong 2027, ilang oras bago ang opening ceremony ng Sea Games sa Hanoi, Vietnam.
Samantala, itinalaga namang host para sa 2029 sea games ang bansang Singapore, na kanilang magiging pang-limang pag-host sa naturang palaro.