Niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang border ng Pakistan at Afghanistan kahapon.
Umakyat na sa 89 ang nasugatan, bagamat walang namatay o napinsala sa lindol.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 41 kilometro sa Kanluran Timog Kanluran ng Ashkasham sa afghanistan.
Nagkaroon ng landslides dahilan upang hindi madaanan ang karakuram highway at dahil sa pagyanig, ramdam ang nasabing lindol sa bahagi ng Tajikistan at India.
By: Avee Devierte