Siyam na bansa lamang ang pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sidelines ASEAN Summit sa Vientiane, Laos
Ayon kay DFA Spokesman Asst/Sec. Charles Jose, kabilang sa mga pupulungin ng Pangulo ay ang mga bansang Australia, India, Laos, New Zealand, Russia, Singapore, United States, Vietnam at Japan
Sinabi ni Jose, hindi na mapagbibigyan ng Pangulo ang iba pang mga bansang nais makipagpulong sa kaniya dahil sa mahigpit na iskedyul
Gayunman, sinabi ni Jose na walang negatibong paka-hulugan ang mga makakanselang pulong ng Pangulo kaya’t umaasa silang mauunawaan ito ng iba pang ASEAN leaders
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 25) Allan Francisco