Normal na para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga banta mula sa CPP-NPA.
Ayon kay Col. Noel Detoyato, Spokesman ng AFP, limampung (50) taon nang banta sa seguridad ang NPA kaya’t hindi na nila kailangang magbanta pa sa araw ng kanilang anibersaryo.
Kasabay nito ay tiniyak ni Detoyato na kontrolado nila ang sitwasyon lalo na sa mga lugar na may presensya ang CPP-NPA.
“Nag-concede naman sila na they cannot do it militarily, pero three forms kasi ang approach nila eh, CPP-NPA-NDF, so meron silang mga kunwaring iligal na fronts, dati wala silang mga party-list ngayon meron silang mga party-list na nakapasok, tapos nagkakaroon din sila ng mga international na ugnayan pero those are already being checked, we do not only have to neutralize the armed groups, we have to destroy the whole arm of NPA.” Pahayag ni Detoyato
(Ratsada Balita Interview)