Umapela si Senador Joel Villanueva sa Immigration at Labor Department na suriin ang mga banyagang empleyedo ng ipinasarang online gaming firm.
Aniya, kailangang matiyak na mayroong mga kaukulang papeles ang mga empleyado ng Great Empire Gaming and Amusement Corporation (GEGAC).
Ayon kay Villanueva, dapat ay may patunay ang mga ito na legal ang kanilang pagtatrabaho at pananatili sa bansa.
Kung wala ay kailangan aniyang agad ipa-deport ang mga ito.
Matatandaang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue ang naturang kumpanya kahapon. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)