Umabot sa 3,500 ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) na mga banyagang nagtangkang pumasok sa bansa sa unang sampung buwan ng 2018.
Batay sa report, ipinaabot kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni Immigration Port Operations Division chief Grifton Medina na kabuuang 3,528 iligal aliens mula sa iba’t-ibang bansa ang hindi pinayagang makapasok sa mga paliparan sa bansa.
Sinasabing nagkakaroon ng banta sa seguridad kapag nakapasok ang mga naturang banyaga sa bansa.
Nabatid na karamihan sa mga nahuli ay aabot sa 1,508 na sinundan naman Indian national na may 262, pumangatlo naman ang Americans na may 151 at Koreans na 138.