Pinagbabawalan pa rin ang pagbubukas ng mga leisure at entertainment venues sa mga lugar na nakasailalim sa heightened general community quarantine (GCQ) sa bansa.
Ito’y ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano.
Hindi pa din pinapayagan ang pagbubukas ng mga bars, concert, cinemas, theater, arcades, internet cafes, amusement parks, playground, casino, at sabong.
Para sa mga lugar ng Metro Manila at kalapit probinsya na Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna na isasailalim sa heightened GCQ bukas, ika-15 ng Mayo.
Samantala, nasa 30% na kapasidad naman ang operasyon ng personal care services at outdoor tourist attractions.
Habang pinapayagan ang 20% na seating capacity sa mga indoor dine in services sa NCR Plus at nasa 50% naman na kapasidad ang Al Fresco Dining.
Nasa 10% capacity naman ang pinapayagan sa mga binyag, kasal, burol at iba pang religious gatherings.