Dumagsa ang mga bar takers ngayong huling araw ng bar examination sa University of Santo Tomas sa lunsod ng Maynila.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ngayon kasi ang huling araw ng eksaminasyon para sa lahat ng mga nagnanais na maging lisensyadong abugado sa bansa.
Ganap na ala 5:00 ng umaga kanina nang simulang papasukin ang mga bar examinee sa loob ng UST para mag-take ng last two subjects na remedial law at legal ethics.
Sa 7,227 na nagsumite ng application para sa 2017 bar examination, tanging 6,750 lamang dito ang nagpatuloy.
Base sa rekord ng Korte Suprema, mas mataas parin ang naturang bilang kumpara sa taong 2016.