Umabot na sa 42 barangay captains ang kinasuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa anomalya sa pagpapatupad ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DILG undersecretary Jonathan Malaya, spokesman ng DILG, kabilang sa mga akusasyon sa mga barangay kapitan ay pamumulsa ng cash aid o kaya ay paghingi ng porsyento sa mga nabigyan ng cash aid.
Sinabi ni Malaya na maliban sa kasong kriminal , gugulong na rin ang kasong administratibo sa mga hinihinalang tiwaling barangay captains.
Patuloy anyang hinihikayat ng DILG ang mga mamamayan na isumbong ang anumang makikitang katiwalian sa pamamahagi ng SAP.