Dapat ng iprayoridad ng mga barangay ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa mga nakapiit na menor-de-edad.
Ito ang inihayag ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño bunsod ng kakulangan ng espasyo sa mga social center.
Ayon kay Diño, obligasyon ng mga barangay maglagay ng pasilidad o espasyo dahil gabi-gabi ay maraming kabataan ang umiistambay.
Ang nasabi anyang proyekto ay magsisilbing shelter ng mga nahuhuling lumalabag sa mga local ordinance na pangungunahan ng mga barangay official sa halip na mga pulis.
Alinsunod anya sa Local Government Code ay numero unong mandato ng barangay chairman ay ipatupad ang lahat ng batas at ordinansa sa kanyang mga nasasakupan.