Ibinunyag ni Interior Undersecretary Martin Diño na kahit ang mga barangay na umano’y drug free ay hindi pa rin tuluyang malinis sa ilegal na droga.
Aniya, marami sa mga ito ay mayroong karatulang nakalagay sa mga lansangan.
Ngunit kapag tinanong ang mga residente ay mabubunyag na mayroon pa ring mga drug pusher at drug user sa kanilang lugar.
Nagbigay rin ng rekomendasyon si Diño hinggil dito.
Kaya nga ang rekomendasyon ko diyan, dapat mayroon kaming tinatawag na BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council) ngayon, tapos may BADAC functionality. Kung ‘yang barangay na ‘yan ay nabawasan ang droga, dapat ang nakalagay diyan, ‘This barangay is BADAC functional’,” ani Diño.
Dagdag pa nito, dahil sa pagkabunyag sa identidad ng ‘drug queen’ na isang kapitan ng barangay, inaasahan niyang magtatago na ang ilan pang mga barangay na chairman na sangkot din sa iligal na droga.
Ngayon palagay ko magsisibatan na ‘yan dahil alam na nila na mainit na mainit na sa kanila, hindi lang chairman [kundi] kagawad, barangay tanod,” ani Diño. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas