Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng barangay government na magpasa ng listahan ng mga residenteng hindi pa nababakunahan kontra covid-19.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, naglabas ng kautusan si Interior Secretary Eduardo Año para sa implementasyon ng pagkokontrol sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal.
Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapigilan ang paglabas ng bahay ng mga residenteng hindi pa nababakunahan.
Sa Metro Manila, tanging ang Pasig, Makati at Navotas ang hindi pa nagpapatupad ng ordinansa hinggil dito. –Sa panulat ni Abby Malanday