Magsasagawa pa rin ng barangay at Sangguniang Kabataan elections sa ilang maliit na barangay sa bansa na halos wala nang nakatirang residente o mayroong “zero population.”
Batay sa datos ng Commission on Elections o COMELEC, kabilang sa mga halos wala nang nakatira ang Barangay 653 sa Port Area, Maynila na mayroon na lamang nasa limampung (50) residente.
Ito’y makaraang i-relocate ang mga informal settler sa pier upang magbigay daan sa pagtatayo ng gusali ng Philippine Ports Authority o PPA.
Halos wala na ring naninirahan sa Barangay Roxas sa Iloilo City dahil sa mga ipinatayong gusali at mall.
Bagaman pinakamaliit namang barangay ngayon sa Maynila ang Barangay 99 sa Vitas, Tondo makaraang i-relocate sa Bulacan ang mga residente, noong 2013, nakatatanggap pa rin ito ng 1.5 million pesos na pondo kada taon.
—-