Nilinaw ng Commission on Elections na hindi pa diskwalipikado ang mga barangay candidate na nasa Narco-list.
Ayon kay COMELEC Spokesman at Director James Jimenez, sa ilalim ng batas, ang diskwalipikasyon ang final conviction subalit ang Narco-list ay nagsisilbing batayan lamang ng mga botante sa pagpili ng mga kandidato.
Magugunitang isinapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency mga pangalan ng 207 Barangay Officials na umano’y sangkot sa illegal drugs na karamiha’y mula sa Bicol Region.
Unang araw ng kampanya para sa barangay at sangguniang kabataan elections sa maynila naging mapayapa
Naging mayapa ang unang araw ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa lungsod ng Maynila, kahapon.
Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, marami ng campaign materials ang nakikita sa mga kalsada habang pino-proseso nila ang mga lumalabag sa kanilang alintuntunin na karamiha’y nasa Quezon City.
Tinaya anya sa 7,600 ang elections hotspots sa buong bansa kabilang ang nasa 1,400 sa A.R.M.M. habang 13 sa Metro Manila.
Samantala, sa usapin naman ng honoraria ng mga guro ay mayroong 15 araw ang COMELEC upang tiyaking mababayaran ang mga teacher na magsisilbi o nagsisilbi sa halalan.