Ikinabigla ng mga barangay official ang pagdagsa ng mga tao sa isang food strip sa Tondo, Maynila noong Linggo sa kabila ng umiiral na social distancing ngayong may pandemya.
Ayon kay Barangay 96 Chairman Lorilario Lacson, dakong ala-7 ng gabi nang mapansin nila ang biglang pag-uumpukan ng mga tao sa iba’t ibang food stall sa Ugbo Street.
Agad anya nilang sinita ang mga ito at inabot ng isang oras bago nagpulasan ang mga parokyano ng foodstrip.
Inilista naman ang pangalan ng mga violator at binalaang mahaharap sa reklamo sa oras na umulit.
Pinagbawalan din ni Lacson ang mga tao sa pagkukumpulan sa tabi-tabing kainandahil maaaring maging isang superspreader ng COVID-19 ang kanilang lugar. –-sa panulat ni Drew Nacino