Umaapela ang League of the Phillippines (LPP) kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isama na sa makatatanggap ng ayuda ang mga opisyal ng barangay at kanilang mga tauhan.
Ayon kay Marinduque Governor at League of the Philippines president Presbitero Velasco Jr., partikular na makatanggap ng ayuda sa special amelioration program (SAP) ang mga opisyal at mga taong barangay na tumatanggap lang ng mas maliit na allowance kumpara sa SAP subsidy at ‘yung mga walang fix salary at hindi kabilang sa Salary Standardization Law.
Paliwanag pa ni Velasco, nakasaad ito sa DSWD Memorandum Circular No. 14.
Samantala, giit pa ni Velasco na malaki ang sakripisyo ng mga barangay officials at mga tauhan nito sa gitna ng COVID-19 crisis.