Pinakilos na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials kontra 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ipinabatid sa DWIZ ni DILG undersecretary Martin Diño na binuhay na nila ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na sinasanay na ng mga tauhan ng Department of Health (DOH).
Hindi na aniya bago ang nasabing team na ginamit na rin sa kasagsagan noon ng Severe acute respiratory syndrome (SARS) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).
Sakali namang lumala ang epidemya, sinabi ni Diño na maglalagay ng isolation unit sa kada barangay.
Pero dito ngayon, kumpleto na ‘to dahil meron din tayong PPE, ito ‘yung Protective Personal Equipment, kasi syempre kailangan ‘yung ating isasabak na mga BHERT ay naka-gadget,” ani Diño. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas