Makikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa mga opisyal ng barangay para tiyakin na nasusunod ng mga amag-aaral ang physical distancing.
Ito’y ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antionio ay para sa mga lugar na pinapayagan ang limitadong face-to-face classes sa susunod na buwan.
Ayon kay Usec. San Antonio, tiyak na masasabik sa pagbabalik ng klase ang mga kabataan kaya’t dapat nilang masiguro na sa bahay at paaralan lamang nagtutungo ang mga estudyante.
Binigyang diin ng opisyal na sa panahong ito ng new normal, lubhang kinakailangang sanayin ang lahat hinggil sa tamang disiplina sa sarili upang maiwasang kumalat ang COVID-19 sa mga komunidad.