Tiniyak ng Department of Interior and Local Government o DILG na lahat ng mga barangay sa bansa ay magkakaroon na ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC ngayong buwan.
Ayon kay DILG Assistant Director for National Barangay Operations Office Karl Cesar Rimando, 15 na lamang ang wala pang BADAC mula sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.
Bunsod nito, umaasa ang DILG na mas mapalalakas pa ng mga opisyal ng barangay ang paglaban sa iligal na droga sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Una nang sinampahan ng DILG sa Ombudsman ang 15 pinuno ng barangay na nabigong magtatag at magpatakbo ng BADAC sa kanilang lugar.
—-