10 sa 15 Barangay sa San Mateo, Rizal ang nalubog sa tubig baha matapos bumayo ang bagyong Ulysses.
Dahil dito mahigit 1k pamilya ang ini-evacuate matapos umabot ng hanggang bubong ang tubig baha.
Kabilang sa mga ini-evacuate ang kabaong ng ina ni Emily Centenaje na nagsabing hindi sila sigurado kung maihahatid nila ngayong araw na ito sa huling hantungan ang kaniyang ina.
Nasorpresa naman ang mga otoridad sa biglaang pagtaas ng tubig sa San Mateo river na ang critical level ay 20 meters subalit umabot na ito sa 28 meters kahapon ng umaga.
Sinabi ni San Mateo Acting Mayor Jose Rafel Diaz na duda silang galing sa ibang lugar o kabundukan ang nasabing tubig nagdulot ng flashflood sa loob lamang ng 2 oras.
Hindi na muna aniya nila papayagang makabalik sa kani kanilang mga bahay ang mga ini-evacuate hanggat hindi pa ligtas.
Samantala umaaapela ring masagip mula sa kanilang mga bubungan ang maraming residente ng bayan ng Rodriguez.
Kabilang dito ang mga residente ng estrella Heights Subdivision na nalubog sa tubig baha gayundin sa Dela Costa Homes sa Barangay Burgos at maging sa 1k2 sa barangay San Jose.
Ayon sa mga otoridad sa Rodriguez mahigit 2k walong daang pamilya ang ini-evacuate mula sa 8 barangay subalit wala namang naiulat na nasawi o nawawala .