Tutulong na sa militar at pulisya sa pagbibigay seguridad laban sa mga teroristang grupo partikular ng ISIS-Maute sa Cotabato City ang tinatayang isanlibong (1,000) barangay tanod.
Inarmasan ang mga nasabing tanod para sa domestic anti-terrorism campaign at pagbabantay sa tatlumpu’t pitong (37) barangay sa lungsod.
Pinangasiwaan naman nina Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, Col. Jose Gongona ng Task Force Kutawato, Senior Supt. Victor Valencia, hepe ng Cotabato City Police at mga opisyal ng 5th Special Forces Battalion ang pulong ng mga volunteer community watchmen.
Tiniyak ng mga tanod na karamiha’y Muslim na kanilang papatayin ang sinumang miyembro ng ISIS o Maute maging ang mga sympathizer nito.
By Drew Nacino
Mga tanod sa Cotabato tutulong sa laban kontra terorista was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882