Boluntaryong isinuko sa militar ng ilang magsasaka ang kanilang mga baril at mga bala sa Barangay Salag, Siaton, Negros Oriental.
Ayon sa Negros Oriental Provincial Police Office, kabilang sa mga isinukong armas sa 11th Infantry Battalion ng Phil. Army ang isang KG9 submachine gun, isang .357-caliber revolver, isang .38-caliber revolver, isang shotgun at mga bala.
Ang apat na magsasaka na hindi binanggit ang pagkakakilanlan ay sinasabing mga miyembro ng isang organisasyon na gustong maging benepisyaryo ng land reform program ng gobyerno.