Sari-saring uri ng baril ang nakumpiska sa pinakahuling Oplan Galugad sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Officer in Charge Rolando Asuncion sa Maximum Security Compound nila nakuha ang mga baril.
Sinabi ni Asuncion na may hinahanap pa silang mga granada na di umano’y itinatago ng mga inmates.
Samantala, nag-negatibo aniya sa illegal drugs ang isinagawa nilang Oplan Galugad.
By Len Aguirre