I-aacount ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang mga baril na narekober sa drug raid sa Caloocan City kung saan napatay ng mga pulis ang isang 17-anyos na lalaki.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, ang mga makukuhang baril ay iti-turn over sa PNP Crime Laboratory upang isailalim sa ballistic at maaring gamiting ebidensya sakaling may magsampa ng kaso o reklamo.
Samantala , sinabi ni Albayalde na walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa nasabing insidente dahil ito ay “isolated case” lamang.
Hinikayat naman ng police official ang mga mamamayan na isumbong sa PNP ang mga abusadong pulis para mapanagot sa kanilang kasalanan.
By Arianne Palma