Pinayagan na ang mga barko na magsakay ng aabot sa 70% kapasidad ng mga pasahero simula ngayong araw, Nobyembre a-4.
Ayon sa Maritime Industry Authority, kailangan parin na nasusunod ang minimum health standard kabilang na ang pagsusuot ng facemask at face shield ng mga pasahero.
Ipinagbabawal naman ang pakikipagkuwentuhan pakikipag-usap sa phone, mass gathering on-board.
Hindi din maaring kumain sa loob barko ang mga nasa Category 2 o yung mga biyahe na wala pang apat na oras.
Dapat din na nagsasagawa ng disinfection sa mga common areas partikular sa comfort room at maglagay ng sapat na bentilasyon sa mga saradong lugar upang maiwasan ang sirkulasyon ng mga virus.
Panatilihin din ang isang metrong distansiya sa pila ng mga pasahero na sasakay o bababa ng barko. —sa panulat ni Angelica Doctolero