Nagbalikan sa West Philippine Sea ang mga barko ng China na naghahango ng mga taklobo o giant clam.
Ito’y batay sa satellite images ng Asia Maritime Transparency Initiative-Center for Strategic and International Studies.
Ayon sa report ng Asia Maritime, makikita sa satellite ang presensya ng mga Chinese vessel na ginagamit sa paghango ng mga taklobo sa nakalipas na anim na buwan.
Nag-o-operate ang mga barko sa Bombay Reef sa Paracel Islands simula pa noong Nobyembre dahilan upang mapinsala ang mga bahura.