Nagpakita muli ng puwersa ang Pilipinas sa pinagtatalunang West Philippine Sea.
Ipinabatid ni Assistant Secretary Omar Romero, spokesperson ng National Task Force on West Philippine Sea, na kabilang sa idineploy ang apat na karagatan at isang aircraft ng Philippine Coast Guard.
Gayundin ang limang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), rubber boat at high-speed watercraft ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group.
Ayon pa kay Romero, layon ng deployment na palakasin ang puwersa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo at paigtingin ang operasyon laban sa mga ilegal na pangingisda at iba pang aktibidad.
Suportado naman ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sovereignty patrols ng Air Force, Navy, Coast Guard, BFAR at PNP. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)