Pinag-aaralan ng Indonesian government ang paglalagay ng military escort sa bawat barkong dumadaan sa karagatan ng Pilipinas upang makaiwas sa pagdukot ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Defense Minister Ryamizard Ryacudu ng Indonesia, tig-sampung barko ang papayagang nila na sabay-sabay maglalayag at bawat isa ay lalagyan nila ng military escort.
Makikipag-ugnayan rin anya sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang saluhin ang pagbibigay ng seguridad sa mga barkong galing ng Indonesia pagpasok nito sa teritoryo ng Pilipinas.
Nitong nakaraang buwan ay nagpatupad muna ng ban ang Indonesia laban sa paglalayag ng kanilang mga barko sa karagatang pinaghahatian ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.
Umaabot na sa 24 na Indonesians at ilang Malaysians ang naging biktima ng kidnapping sa border ng tatlong bansa ngayong taon lamang.
By Len Aguirre