Marami pang barko ang nakatakdang i-deliver sa Philippine Navy bilang bahagi ng pagpapalakas sa kapabilidad nitong ipagtanggol ang territorial waters ng bansa.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, hinihintay pa nila ang pagdating ng Dalawa pang Frigates, Ikalawang strategic sealift vessel at ang Ikatlong hamilton class-high endurance cutter na USCGC Boutwell mula amerika.
Magugunitang dumating sa Pier 13 ng Manila South Harbor ang BRP Gregorio Velasquez, ang unang survey ship ng navy, noong Biyernes.
Naging bahagi naman ng 118th anniversary ng araw ng kalayaan ang bagong strategic sealift vessel na BRP Tarlac at mga landing craft heavy na BRP Agta, Iwak at Waray.
By: Drew Nacino