Iminungkahi ni Senate President pro-Tempore Ralph Recto na wasakin din ang mga barkong ginagamit para sa pagpupuslit ng mga kontrabando papasok ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Recto makaraang maharang ng mga awtoridad ang isang Mongolia Flagged Ship na nagbagsak ng 8,000 sako ng bigas sa Zamboanga kamakailan.
Paliwanag ni Recto, dapat lamang wasakin ang mga barkong naglalaman ng mga puslit na kontrabando kung kinontrata ito ng mga smuggler at kung may kasabwat itong tripulante ng barko.
Sa ganitong paraan ani Recto, mapipigilan na ang mga iligal na importasyon sa mga farm products na malaki ang naidudulot na pinsala sa mga lokal na magsasaka at iba pang nasa sektor ng agrikultura.