Pinag-aaralan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagdaragdag ng mga barkong magpapatrolya sa karagatang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ni PCG Officer-in-Charge Rear Admiral Joel Garcia na layon nito na maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa lugar bunsod ng posibleng pananalakay ng mga pirata at Abu Sayyaf Group (ASG).
Partikular na babantayan ang mga sasakyang-pandagat ng pamahalaan sa Sibutu passage sa Tawi-Tawi.
Ipinabatid din ni Garcia na isinusulong nila ang paglalagay ng radar station para bantayan ng husto ang naturang isla kung saan may naitalang 13 insidente ng pamimirata.
By Meann Tanbio | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)