Nakatakda nang ibyahe ngayong araw pabalik ng South Korea ng Mindanao Container Terminal (MCT) ang natitirang tone-toneladang basura ng Verde Soko na itinambak lamang sa Sitio Bugwak, Sta. Cruz, Tagoloan Misamis Oriental.
Ayon sa MCT, bago nila isagawa ang pagkakarga sa barko ng nasa mahigit 2,000 tonelada ng basura ay magkakaroon muna ng isang ceremonial activity ngayong araw.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si MCT Port Collector John Simon sa mga grupong nanawagan sa kompaniyang Verde Soko para maitapon pabalik ng South Korea ang kanilang mga basura at mapanagot ang mga nasa likod ng pagpapa-pasok sa Pilipinas ng mga naturang kontrabando.
Nabatid na ngayong araw na ibababyahe ang unang batch ng mga basura na ilalagay sa 60 container vans na galing sa Verde Soko Philippines Industrial Corp., at inaasahang sa Pebrero 9 naman ibabalik ang nalalabi pang mga basura.