Nakatambak pa rin sa isang planta Misamis Oriental ang mga basura mula sa South Korea.
Ayon sa mga otoridad, noong Hunyo pa nakatakdang ibalik ang mga basura ngunit kahapon lamang nagsimula ang paghahakot ng mga ito.
Aminado naman si Misamis Oriental Second District Representative Juliette Uy na napatagal ang pagbabalik ng mga basura dahil kulang ang pondo para gawin ito.
Mayroon lamang isang pribadong kumpanya na nag alok ng libreng serbisyo para unti-unti itong maibalik sa SoKor.
Nangako naman ang port collector ng Mindanao container terminal na si John Simon na sisikapin nilang maibalik ang mga basura sa Oktubre.
Matatandaang nagbalik na rin ng basura sa Canada at ilan pang bansa ang Pilipinas matapos itambak ang mga ito sa ilang pantalan.