Nakatakda nang ibalik anumang oras o araw sa Canada ang tone-tonleda nilang basurang iligal na itinambak sa Pilipinas.
Magugunitang nabigo ang Canadian government na sumunod sa itinakdang deadline na Mayo 15 ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang basura.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ang transport company na Bolloré ang kinontrata ng Canadian government para sa shipping ng naturang kargamento.
Inaasahan anyang mapapabilis ang proseso lalo’t wala naman na silang nakikitang sagabal upang maibyahe pabalik ng Canada ang tone-toneladang basura.