Target ng Canada na maibyahe pabalik sa kanila ang tone – toneladang basurang nasa bansa sa katapusan ng Hunyo.
Ito ay kahit pa lumampas na ang deadline na itinakda ng Department of Foreign affairs noong Hunyo 15.
Ayon kay Canadian Minister of Environment and Climate Change Catherine Mckenna, na i award na ang kontrata sa Bollore Logistics Canada para ibyahe ang naturang mga basura.
Aniya, sisimulan na ng naturang kumpanya ang paghahanda sa mga kargamento para masigurong ligtas at naayon ito sa Canadian safety at health requirements.
Sa huli, binigyang diin ng Canada na mananatili ang malalim at matatag na relasyon ng Canada at Pilipinas at magpapatuloy ang pagtutulungan ng dalawang bansa para maresolba ang isyu sa basura.