Nakatakda na ngayong Lunes, Hunyo 3 na hakutin pabalik ng Hong Kong ang mga electronic waste na kanilang itinapon sa Pilipinas.
Ayon kay Deputy Customs Collector for Northern Mindanao John Simon, ang mga basura ay mula sa crushed electronic materials na dineklarang “electronic accessories”.
Ani Simon, mahalahang maibalik agad sa Hong Kong ang kanilang basura dahil ito ay mapanganib sa publiko at kalikasan.
Tiniyak naman ni Simon na nasa maayos na container ang mga basura upang masiguro na hindi ito makaaapekto sa kalikasan.
Kasabay nito ipinabatid ni Simon na nagsagawa na ng imbestigasyon ng mga awtoridad ng Hong Kong at Pilipinas sa kung sino ang may pakana ng pagtatapon ng mga basurang ito sa bansa.