Nakatakda nang ibalik ng Pilipinas ang bultu-bultong mga basura mula sa bansang Canada na iligal na itinapon sa bansa noon pang 2013.
Ito’y bilang pagtupad sa inilabas na kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 1 na nag-aatas na ibalik sa Canada ang mga nasabing basura.
Ayon sa Bureau of Customs, maghahain na ng motion for execution ang Department of Justice na miyembro ng binuong inter-agency committee kasama ang DENR, DFA at ang Customs.
Saklaw ng nasabing kautusan ang mahigit 100 mga container vans na naglalaman ng iba’t ibang klaseng basura na nakapangalan sa chronic plastics incorporated na nakatengga ngayon sa mga pantalan ng Maynila at Subic.
By Jaymark Dagala