Naibalik na sa Hong Kong ang container van ng mga basurang iligal na pinasok sa bansa.
Ayon kay Northern Mindanao Port Collector John Simon, isinakay na kahapon sa isang Chinese cargo ship ang mahigit 25 toneleda ng electronic waste mula sa naturang bansa.
Aniya, maituturing itong tagumpay ng sambayanang Pilipino dahil sa paninindigan na hindi isang basurahan ang Pilipinas.
Nagkaroon ng misdeclaration sa naturang kargamento matapos itong idineklarang assorted accessories ng consignee nang dumating ito sa Mindanao Container Terminal noong Pebrero.
Matatandaang nitong nakalipas na linggo ay naibalik na rin sa Canada ang tone – toneladang basurang itinapon sa bansa noong 2012.