Pursigido ang pamahalaan ng Canada na mai-alis na sa Pilipinas ang tone-toneladang mga basurang itinambak ng isang Canadian firm sa Pilipinas nuon pang taong 2013.
Iyan ang tiniyak ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau kay Pangulong Rodrigo Duterte nang magharap sila sa ASEAN – Canada Commemorative Summit kahapon.
Magugunitang aabot sa 2,500 toneladang basura na naglalaman ng mga lumang kable, plastic cups, cd’s o compact disks at mga gamit na adult diapers ang tumambad sa mga awtoridad sa pantalan ng Maynila mula sa isang cargo shipment mula sa nasabing bansa.
Pakingan: ang tinig ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau
Ayon kay sa Canadian Primier, may ilang mga gusot lang aniya silang inaayos at umaasa siyang mai-aalis na rin ang mga nabubulok na basura sa lalong madaling panahon.
Pakingan: ang tinig ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau
Mga environmentalist group, umaasang tutuparin na ng Canada ang pangako nitong hakutin ang mga itinambak na basura nila sa Pilipinas
Lumang tugtugin na para sa ilang environmental group ang naging pahayag ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau hinggil sa tone-toneladang basura na itinambak sa Pilipinas mula Canada.
Ayon sa grupong Greenpeace, bagama’t inulit lamang ng Canadian Primier ang pangako nito nuong isagawa ang APEC Summit sa Pilipinas nuong taong 2015, umaasa silang tutuparin na ito ng Canada sa kasalukuyan.
Sa panig naman ng grupong Ecowaste Coalition, may sapat na pondo naman anila ang Canada para hakutin ang mga itinambak na basura mula sa kanilang bansa patungo rito sa Pilipinas.
Hindi na rin anila dapat magpatumpik-tumpik pa ang Canada para bawiin ang mga naturang basura lalo’t naniniwala silang malaki ang maitutulong ng naturang usapin sa relasyon ng dalawang bansa.
SMW: RPE