Pinababalik na ng Malaysia ang 150 shipping containers ng mga basura mula sa United Kingdom (UK), Amerika, France at Canada.
Ayon kay Malaysian Environment Minister Yeo Bee Yin, aabot sa halos 4,000-metriko toneladang basura ang ibinabalik sa 13 bansa.
Nabatid na 43 containers ang ibabalik sa France, 42 containers sa UK, habang 17 containers sa Amerika at 11 containers naman sa Canada.
Iginiit ng Malaysia na hindi basurahan ang kanilang bansa kaya’t walang lugar ang mga ito sa kanilang teritoryo.
Ang mga nasabing basura ay itinapon sa Malaysian mula pa noong 2018.