Nagsimula nang hakutin ngayong araw pabalik ng South Korea ang tone-toneladang basura sa MICP o Mindanao International Container Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ito ang mga basurang naharang ng BOC o Bureau of Customs noong Nobyembre 21 na aabot sa 1,200 tonelada at inabandona ng isang consignee.
Isang ceremonial re-exportation ang gagawin ngayong araw na dadaluhan ng mga opisyal ng DENR o Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Customs, local government officials at ilang environmental groups.
Ayon kay John Simon, port collector sa MICP, aabot sa 200 container ng basura ang ibabalik sa South Korea pero aabot pa lamang sa 51 ang naibabalik.
Ito’y dahil sa kailangang pang maibalot muli ang mga basura bago ilagay sa container kung saan ito nanggaling.