Simula bukas, Mayo 19, huhulihin na ng Land Transportation Office at iba pang law enforcement agencies ang mga motorcycle rider na nag-aangkas ng mga bata nang hindi sumusunod sa regulasyon.
Alinsunod ito sa Republic Act Number 10666 o mas kilala bilang “Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015”
Sa ilalim ng R.A. 10666, bawal nang sumakay sa mga motorsiklo ang mga bata na 18 taong gulang pababa, lalo’t kung hindi abot ng kanilang mga paa ang foot peg ng motorsiklo.
Hindi na rin sila papayagang umangkas sa anumang uri ng two-wheeled motorcycle units kundi pa nila kayang humawak sa bewang ng nagmamaneho.
Exempted naman dito ang mga motorcycle rider na may angkas na bata na nangangailangan emergency medical attention.
Ang R.A. 10666 ay pinirmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong July 21, 2015.
By: Meann Tanbio