Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA ang mga magulang na bantayang mabuti a ng kanilang mga anak kapag nasa pampublikong lugar.
Kasunod ito nang nangyaring insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, makaraang mahulog ang isang limang (5) taong gulang na Malaysian national sa isang hagdanan sa departure area.
Paliwanag ni MIAA General Manager Ed Monreal, sadyang may kakulitang taglay ang mga bata kaya responsibilidad ng mga magulang na bantayan ang mga kilos at galaw ng mga ito.
Samantala, nagtamo lamang ng slight physical injuries ang bata matapos na agad na rumesponde ang medical personnel ng MIAA.