Nangangamba na ang mga residente sa Juban, Sorsogon dahil nagkakasakit na ang mga bata o kanilang mga anak matapos ang pag-alburoto ng bulkang Bulusan.
Kabilang sa mga sakit na nararanasan ngayon ng mga bata ay diarrhea, sipon, at ubo dahil sa epekto ng pagputok ng mount Bulusan.
Hinala ng mga residente, posibleng sa mineral water na iniinom nila nakuha ang mga nasabing sakit.
Bukod pa dito, ang nalalanghap din na asupre galing sa bulkan sa kanilang lugar ang dahilan kaya nagkaubo at sipon ang mga ito.
Dahil dito, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng lahar flow lalo na kung malakas ang ulan kung san, posibleng umabot sa 100,000 cubic meters ang maiipong abo mula sa bulkan.