Posibleng umabot sa 2-milyong Pilipinong bata ang hindi makakapagpabakuna ngayong taon dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa UNICEF, pababa ng pababa ang childhood immunization coverage ng bansa kada taon.
Kung noong 2014 umano ay mayroong 87% ng mga Pinoy ang nakakasunod sa kanilang nakatakdang pagpapabakuna, bumaba na ito sa 68% noong 2019.
Dahil dito ay mas nagiging prone o exposed umano ang maraming batang Pinoy sa mga sakit gaya ng tigdas at polio na kaya sanang maiwasan ng bakuna.