Papayagan na ng Department of Health (DOH) na maturukan ng booster dose ang mga batang edad 12 hanggang 17 na immunocompromised laban sa COVID-19.
Nabatid na inilabas ng DOH ang guidelines hinggil sa booster shots ng Pfizer vaccines sa nabanggit na age group.
Ayon sa DOH, tanging ang mga immunocompromised pediatric ang tuturukan 28 araw matapos ang ikalawang dose ng primary series.
Nabatid na nasa .3 ml kada dose ang ituturok sa mga kabataan at papayagan lamang ang pagtuturok sa mga DOH accredited, LGU Manage o Hospital Base Vaccination Center sa NCR at iba pang rehiyon sa bansa.
Sinabi ng DOH na kailangan ipakita ng pasyente ang medical certificate mula sa kanilang doctor, valid ID o dokumentong may larawan ng magulang o guardian ng mga babakunahan at vaccination cards na patunay na nakakumpleto na ng dalawang doses ng primary series.