Lumabas sa 2021 expanded National Nutrition Survey ng Department of Science and Technology – Nutrition Research Institute (DOST) – NRI, na ang mga batang edad 5 hanggang 10 ay madalas sumobra ang timbang o yung mga overweight o obese.
Ayon kay Dr. Eva Goyena, Senior Science Research Specialist ng DOST-NRI, apektado ng datos ang 14.1 % ng mga batang nasa nabanggit na edad o school-age children.
Bukod sa family history, ang iba pang rason ng pagiging masyadong mataba ay ang paraan ng pagkain at pisikal na aktibidad.
Dahil dito, ipinayo ni Goyena na magkaroon ng regular ehersisyo tatlong beses sa isang linggo ang mga mag-aaral at damihan ang ibang pisikal na aktibidad sa eskwelahan.
Maaari kasi aniyang magtutuloy-tuloy ang pagiging overweight sa kanilang pagtanda kapag hindi naagapan.