Ipinagbabawal muli ang pamamasyal ng mga batang lima hanggang 17 taon sa ilang pasyalan sa Intramuros, Maynila.
Ito ang abiso ng Intramuros Administration kasunod ng rekomendasyon ng Metro Manila Mayors sa IATF na suspendihin muna ang polisiya kung saan pinapayagan ang mga batang limang taong gulang pataas na makalabas na ng bahay.
Epektibo ang nasabing abiso simula ngayong araw, Hulyo 20.