Naniniwala si Vaccine Expert Panel (VEP) Chief Dr. Nina Gloriani na dapat na ring mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga batang edad lima pababa.
Paliwanag ni Gloriani, sa oras na mabigyan ng bakuna ang nasabing age group ay makukumpleto na ang immunization coverage ng bansa.
Gayunman sinabi nito na kailangan pa ring konsultahin ang mga pediatrician, upang malaman kung sino ang dapat na makatanggap ng COVID-19 vaccine.
Safety, immunogenicity, at efficacy o proteksyon aniya ang kanilang tinitingnan pagdating sa bakuna.
Ayon pa sa VEP Chief, makakatulong ang COVID vaccine upang mabigyan ang mga bata ng 76% hanggang 80% na proteksyon laban sa COVID-19.
Sa ngayon aniya ay ina-assess na nila ang Pfizer at Moderna bilang COVID-19 vaccine brands para sa mga batang edad lima pababa.