Nagbabala ang Malakanyang sa mga magulang sa pagdadala sa kanilang mga anak sa mga mall at mataong lugar.
Ayon kay Acting Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi muna dapat dalhin sa mga mall at mataong lugar ang mga bata na hindi pa pwedeng magsuot ng facemask.
Responsibilidad anya ng magulang ang kanilang mga anak lalo ang mga menor de edad at hindi dapat pilitin ang mga ito na isama sa closed at crowded area.
Binigyang-diin pa ni Nograles na mayroon ding karapatan at responsibilidad ang mga establisimyento na ipagbawal ang pagpasok ng mga indibidwal na hindi sumusunod sa COVID-19 rules.
Magugunitang ipinaubaya na ng mga Metro Manila Mayor sa Inter-Agency Task Force ang posibleng mobility restrictions sa mga bata. —sa panulat ni Drew Nacino